Sunday, July 29, 2012

What I Am 10 Years from Now


Life is about having a chance to do something not just for yourself but also for other people. Doing something for other is always be the best feeling ever you can feel. So what I am ten years from now? Like what other wants to achieved, to help their parents, to finished study. A very simple wish makes them happy, but is it bad to wish for something more? Be successful at any career you really want with your family, have a medals, an honor with your diploma in college. Is that how people think about life? Simple and just simply simple? Why not tell yourself that you can do much better than what you have thought.



For me, life is too short to limit yourself to dream of what you really deserve. Maybe ten years from now, I can be a successful programmer, a successful businesswoman, nor a teacher. Well, I can be what I want cause I know I deserve it and not just because I wish for it nor I should be. But we must remember that what you deserved are what you worked to. Like the phrase "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Sometimes we call God when we need help, but forget about Him when everything around us are perfectly okay. Haven't you think of thanking Him for what have you have right now, whether it is good or bad? Same with asking Him what you want to be ten years from now. But had you think about it if you really deserved it?



"Mag sumikap ka" -- the line of our parents nor relatives. "Wag mong pababayaan ang pag-aaral mo" -- a line of your guardian, parents. But ten years from now, if you finished college, are you going to be a professional? Will you pursue master degree? or you will sit at home, being "palamon" or having your own family after graduate? Wouldn't you give your guardian/parents a good life after their sacrifice for your tuition fee? or  don't you have this "utang na loob" for them? Life is too short to live like your in paradise. You should cherish it like your gonna die the next day.


I am a BSIT student, 19 year old, turning 20 this coming August 24. I have my dream of becoming a future businesswomen, and a programmer. Ten years from now, I'll make my parents happy as well as my relatives, I want them to be proud of me.


Ten years from now, I may be the happiest person ever. Seeing my parents happy, proud of me makes me complete. I'll be a successful businesswomen, I'll be having my perfect business for myself and for my family. I will never be "pabigat" because I know in myself that I can be that successful because I deserved it. As of now, I have my small business from my "ipon" / allowance that my Aunt gave me. And I know someday, this small business will spread in the world and have a lot of branches. Kasi nag susumikap ako. It's not for myself, but this is for my family and for my future as well.



May God be the glory.



- Ma. Alicia Coscolluela

Saturday, April 16, 2011

Nahanap ng Puso

Pag katapos na ako'y masaktan
Wala ng balak pang ika'y pakinggan
Hinahanap ko ang kasiyahan
sa kaibigan ko, ito'y natagpuan
Umabot pa ang ilang buwan
sinubukan mo pa akong balikan
pero heto ako't natuto na
ayoko nang masaktan pa.
Madami pang tao sa mundo
hindi lang ikaw ang pwedeng mahalin ko
ngunit sinaktan mo ang puso ko
kaya heto ako, sumuko na sayo.
Ngayon ako'y malaya na
masaya na din kahit mag isa,
Pero teka, ito nanaman ba?
May dumating namang iba.
S'ya na kaya ang hanap ng puso
o isa lang din sya sa mga pag subok?
Ano man sya sa buhay ko
Wala na akong magagawa dahil ang puso ko'y tumibok.

-- GANGHANLOVE

Hanggang Katapusan

"Hanggang Katapusan"
written by: Alicia Coscolluela

Oh mahal ko, ako'y nag papasalamat sayo
Sa pag dating sa buhay ko, at sa pag bukas ng pusong ito
Nais kong malaman mo, nandito lang ako para sayo.
Wag sanang mag bago, ang nararamdaman nating 'to.

Chorus:
Gusto ko'y maging sayo, at sayo'y maging akin ka.
Hiniling sa langit at ngayo'y binigay kana
Oh D'yos ko, salamat sa anghel na ito
Ipinapangako ko,
Sa lahat ng tao sa mundo, ika'y aalagaan
hanggang katapusan.

Oh mahal ko, ikaw ngayo'y kasama ko
Sa pag-abot ng pangarap ko, at sa darating pang mga panahon
Nais kong malaman mo, nandito lang ako para sayo.
Wag sanang mag bago, ang nararamdaman nating 'to.

(repeat chorus except last 2 part)
(repeat chorus)

Saturday, December 25, 2010

PASKO.PASKO

Part 1:
"Sa Araw ng Kapaskuhan"

Panibagong yugto ng buhay,
sa araw ng kapaskuhan.
Isisilang ang Diyos ama,
si Hesukristo anak ni Inang Maria.
Bagong pag-asa namumutawi sa puso ko,
ganoon din kaya sa ibang tao?

Parang kailan lang ng huling mag diwang,
naalala nyo pa ba ang naging
huling Noche Buena
kasama ang pamiya.

Part 2:
"Noche Buena sa Araw ng Pasko"

Sa araw ng pasko,
nag bubuklod ang mag kakapamilya,
dito sa harap ng lamesa
nag kwewentuhan.
Nag kakasama
sa harap ng hapag kainan.

Sana araw-araw ay pasko,
para laging mag kasama ang ama't ina.
Laging sabay kumain sila ate't kuya.
Nakikipag kulitan at kwentuhan kila lolo't lola.



Sana araw-araw ay pasko. Salamat at may pasko. Pinag bubuklod-buklod tayo ng kapaskuhan, Ayan ang tunay na diwa ng pasko. Isa lang naman ang gusto ni God, ang pag samasamahin tayo ng mga mahal natin sa buhay. Sana hindi lang sa araw na ito, kundi bukas at sa mga susunod na bukas pa.

Mag mahalan tayo, mahalin natin ang isa't isa. Tulad ng pag mamahal Niya sating lahat.



im COMMITTED

Thursday, December 16, 2010

Bagong Pag-asa


May mga bagay na nag papasaya satin na minsan kinakailangan pakawalan.
Dahil may mga bagay na habang hawak mo pa, ikaw din ang nahihirapan.
May mga pangarap tayong di pa natutupad, kung di buo ang loob mo,
walang mangyayaring maganda sa buhay mo.

Lahat ng tao may sarisariling dahilan.
Negatibo man sa paningin ng iba, gagawin mo parin, dahil dun ka masaya.
Pero may pag kakataong kailangan makinig sa pananaw ng iba,
para narin sa ikabubuti ng sarili mo at dahil mahal ka nila.

Sa pag lipas ng panahon, may mga bagong pagsubok.
Minsan akala mo di mo kakayanin,
pero may mga taong tutulong at muli kang hahatakin.

Maiisip mong wala nang pag-asa,
pero darating ang Dyos at aakayin ka.
Masasabi mo na lang na:

"Kaya ko pala, nandyan Ka at Sya." 

-UNPREDICTABLE

Pangarap

Kwento ng Pangarap

Mga bata, yan ang madalas nating makikita sa lansangan. Mga marurungis, magugulo at namamalimos na kabataan. Naranasan mo na bang malimusan? Mga batang paslit sa lansangan, nag mamakaawa, nang hihingi ng kaunting limos mula sa iyong bulsa. Nabiyayaan mo na ba sila nang konting bariya?


Lahat tayo may kanya kanyang pangarap. Nakapag tapos man ng pag aaral o hindi. May pamilya man o wala, di tayo nauubusan ng pangarap. Mga pangarap na sa panaginip pa lang, gusto na natin patupad. Mga pangarap na di mo gustong mabigo. Mga pangarap na syang dahilan kung bakit tayo nag susumikap.


Naalala ko noong kabataan ko, tinanong kami ng aming guro. "May pangarap ba kayo sa buhay?" at agad akong napaisip. Ano nga ba ang pangarap? Ito ba yung gusto mong kunin kurso pag katapos mong mag aral ng high school? Nabibili ba ito ng pera? Di agad ako nakasagot. Nang muli syang mag tanong "Class, may pangarap ba kayo sa buhay?" Bigla kong naisip ang mga katulad kong bata na nasa lansangan, mga batang di nakapag aaral, mga batang paslit na pakalat-kalat at humihingi ng limos. Tumayo ako at sumagot sa aking guro "Maam, pangarap ko pong tulungan ang mga batang nasa labas, yung mga batang namamalimos. Yung mga batang di nag aaral. Gusto ko po silang tulungan." Halata sa mukha ng aking kapwa kamag-aral at guro ang pag kabigla. Naisip ko tuloy na mali ang pag kakaintindi ko sa salitang PANGARAP. Ngunit pinag patuloy ko ang aking pag sasalita. "Naaawa po ako sa mga batang namamalimos, di nakakapag aral, at di nakakakain ng tama. Gusto kong makapag tapos ng pag aaral, at darating po ang araw na yayaman ako at matutulungan ko na sila." Nabigla ako sa sinabi ng aking guro "Wala ka bang pangarap para sa pamilya mo?" muli akong nag isip at nag salita "Maam, ang pangarap po ng pamilya ko ay mapalaki ako ng maayos, mapag tapos ako ng pag aaral. Ang pangarap ko'y makapag tapos ng pag aaral dahil yun ang pangarap nila para sakin. At alam kong magiging masaya na sila pag nangyari yon." Di ko alam kung bakit ko nasabi yon. Pero nang matapos kong sabihin ang lahat ng yon, napaiyak ako. Nakangiti ang guro ko at sinabi ang katagang: "MATUTUPAD ANG PANGARAP MO SA TAMANG PANAHON."


PANAHON. Kailan nga ba ang tamang panahon? Gusto kong matupad ang pangarap kong ito. Makapag tapos nang pag-aaral at makatulong sa mga batang lansangan.


Lumaki akong hawak ang pangarap na iyon, ngayon nasa kolehiyo na ako, ayun parin ang pangarap ko. Pero may dumagdag pa. Nang yari to nung nasa high school ako. Feast day ng section namin nang maisipan naming dumalaw sa mga matatandang iniwan na nang pamilya nila. Ito ata yung tinatawag na Bahay Kalinga. Nakakaawa ang mga matatandang iniwan na ng kanilang sariling anak at pamilya. Iniwan dahil sa paniniwalang wala nang halaga at wala nang pakinabang pa sa buhay nila ang mga ito. Nakakalungkot isipin na kaonting panahon na lamang ang imamalagi nila sa lupa, pero iniwan pa sila. Hindi naman dapat maging hadlang ang kahirapan para iwan sila sa lugar kung saan wala silang kilala.


Nakita ko ang isang lola na nasa idad 90-pataas na. Di na sya nag sasalita at umuungol-ungol na lang nang makita nyang papalapit kami sa kanya. Pinag mamasdan siya ng kapwa ko kapamag-aral, nang maisipan kong kausapin sya para malaman ang pangalan nya. Ungol lang ang narinig ko sa kanya. Napaluha ako. Naalala ko sa kanya ang lola ko. Yung tinuring na ina ng aking ina, na syang kumupkop sa kanya. Nag laro sa isipan ko ang itsura ni lola. Patuloy ang pag agos ng luha saking mga mata. Nang biglang may lumapit saking isang matanda, si Lolo Bayani. Sabi nya sakin, matagal na daw sya sa lugar na iyon, iniwan na sya ng kanyang pamilya at di na dinadalaw ng kanyang sariling mga anak. Lalo akong nahabag sa narinig ko. INIWAN NG PAMILYA AT DI NA BINABALIKAN NG SARILING ANAK. Ako ay naging anak din ng magulang ko. Naging anak din ang magulang ko ng lolo/lola ko. Hindi ko kakayaning iwan ang magulang ko sa ganoong lugar. Di ko lubos maisip na magagawa iyon ng anak sa magulang nila. Kung ako ang Ina, at ganoon ang gagawin sakin ng magiging anak ko, masasaktan ako.


Biglang sumagi sa isipan ko ang salitang TUTULUNGAN KO SILA PAG MAYAMAN NA AKO SA TAMANG PANAHON.
Sa tamang panahon. Ang mga pangarap ko tutuparin ko. Mag sisikap ako para sa ibang tao, para sa pamilya ko, para sa sarili ko.


----------


COMMERCIAL ng buhay ko:


1st year college. Minsan kaming pinag prisinta ng aming guro sa English subject kung saan ikukumpara mo ang sarili mo sa mga bagay-bagay. 2 weeks pa ang panahon para makapag isip at para makapag handa. Wala akong maisip. Napakahirap naman ikumpara ang sarili mo sa isang bagay na walang buhay. Feeling ko, nainsulto ako. Tao ako, tapos ikukumpara ko ang sarili ko sa isang walang buhay na bagay? Naisip ko tuloy na wag na lamang mag prisinta. Pero 2 days na lang bago ang araw na iyon, nag karoon ako ng problema (na hindi ko na ikwekwento dahil hahaba pa lalo ito at siguradong tatamarin kana sa pag babasa).


Doon ko lang naramdaman ang halaga ng pamilya sa panahon na iyon. Nandyan ang magulang ko para sabihin na kaya ko to at malalampasan ko lahat. Nasan ang mga kaibigan ko? Sa dami nila, isa-dalawa-tatlo na lang ang natira. At habang lumalalim ang gabi, isang ingay na lang ang narinig ko, ang pag tunog nang Orasan. Naiinis ako sa ingay nang orasan na iyon. TIKTOK-TIKTOK! segusegundo. Kinuha ko ito at tinanggal ang batirya. Tapos naisip kong tumahimik ang paligid ko. Naisip kong ito na siguro ang pwede kong ihalintulad sa buhay ko nang panahong iyon.


Dumating ang araw ng prisintasyon, nag drawing ako ng orasan na may kasamang batirya. Paano ko kinumpara ang buhay ko sa isang orasan?





Ang buong orasan ang nag silbing AKO. Ang kamay ng orasan ang nagsilbing PAMILYA ko. Ang mga numerong nakapaligid ang nag silbing mga PANGARAL ng magulang ko. At ang batirya ang nagsilbing mga KAIBIGAN ko.


Ang orasan ay di matatawag na orasan kung walang numero at kamay. Ang mga kaibigan ko, bilang batirya na bumubuhay at nag papaandar sakin ay pwedeng maging dispossable at mawala. Nandyan sila pero pwede kang iwan. Matatawag parin namang orasan ang isang orasan kahit walang batirya diba. At kung mapapansin nyo, kahit wala nang batirya ang orasan, nandyan parin ang kamay, di ka iiwan, parang pamilya. Nandyan lang sila para gabayan ka. Umiikot sila sayo, para ulit ulitin ang pangaral na gusto nilang di mo dapat kalimutan. Ang batirya, nauubusan din ng enerhiya para patakbuhin ka, pero ang kamay at mga numerong nakapaligid sa orasan ay di ka iiwan.


----------


Ito na ang pangarap ko, hawak ko at unti-unting pinalalawak pa. Gusto ko na ngayon gumawa ng foundation para sa mga batang lansangan, foundation para sa matatandang iniiwan, mag tayo ng paaralan para sa kabataan, simbahan para sa mamamayan. Malayo sa panaginip, malayo pa sa katotohanan. Pero alam kong darating ang PANAHON, tutulungan ako ng Panginoon para matupad ko ang panagarap na ito.


Ito nga't may nakita akong trabaho pero di ko pa alam kung tama ba ang papasukin ko. Ang nasabi ko na lang:
Tama man o mali ito, totoo man o hindi susubukan ko parin. Paano nga kung ito na pala ang PANAHON na hinihintay ko? I WILL GRAB IT! Because it only happen once in a lifetime. At kung hindi ko man subukan, baka pag sisihan ko lang. Handa ako sa kabiguan, ayos lang sakin yun, ang mahalaga nasubukan ko at wala akong sinayang na panahon. Si God na bahala kung nasa tamang dereksyon ako sa buhay.


Minsan lang to dumating sa buhay. Di ko pag sisisihan kung mali man ito. Pano kung dahil dito patupad ko ang pangarap ko. Baka mas pag sisihan ko pa kung di ko pa igrab. So keep looking forward :3


-THE UNPREDICTABLE GIRL

Sunday, December 12, 2010

LOVE?

LOVE. Isang ispesyal na pakiramdam. Pakiramdam na ginusto mong maramdaman nung bata kapa. Pakiramdam na ayaw mo mawala ng mag dalaga/binata ka. Pakiramdam na gusto mong ipaalam sa iba. Pero pag nasaktan na, ito ang pakiramdam na parang ayaw mo na ulit maranasan pa. At ayaw na ulit maramdaman pa.

Masarap maramdamang mahal ka din ng mahal mo, masarap ang pakiramdam na nag mamahalan kayo, masarap malamang ikaw lang ang nasa puso nya. Masarap. Pero masakit. Masakit kasi darating ang oras na mag kakalabuan kayo, masakit kasi baka iwan ka nya, masakit kasi baka hindi pala sya yung FOREVER mo. Paano kung iwan ka nga nya? Paano kung saktan ka lang nya? Paano kung lokohin ka lang nya? Paano kung hanggang pangako lang sya?

"Ikaw lang mahal ko, wala ng iba."
"Di kita iiwan, I love you."
"Wala na akong mamahaling iba kung di lang ikaw."
"Forever tayo huh."
"Di kita ipagpapalit."
"HINDI KITA IIWAN."

Mga salitang binibitawan ng mga taong nag mamahalan. Mga salitang lumabas lang sa bibig. Mga salitang nakakapag patibok ng puso. Mga salitang gusto mong paniwalaan. Pero ito ang mga salitang madalas mapako, madalas makalimutan, madalas nababalewala. Darating ang araw, makakakita sya ng iba. Ikaw ang mahal nya, pero may ibang nag papaligaya na pala sa kanya. Ikaw ang kasama nya, pero iba na ang nasa isip nya. Para kang naniniwala sa isang bagay na hindi pala pinaniniwalaan ng iba. Para kang tumaya sa lotto, nananalanging manalo. At pag nalaman mo na, KABOOM! Ang sakit. Naging biktima kana ng isang pang loloko. Para kang nautakan sa isang laro na di mo alam. Para kang pinatay ng paulit-ulit.

"May mahal na akong iba."
"Iiwan na kita."
"May iba na akong mahal, hindi na ikaw."
"Sorry, wala ng forever."
"May nakilala akong iba."
"SIYA NA ANG MAHAL KO."

Lahat tayo nasasaktan. Lahat tayo nabibigo. Lahat tayo mararanasang mag mahal. Lahat tayo makakaranas ng pag mamahal. Di nga lang tumatagal ang iba. Sabi nga nila "walang permanente sa mundo, kaya wag kang maniwala sa salitang 'di kita iiwan'." Kung iniwan ka man ng taong mahal mo, isipin mo na lang na may dadating pa para mapasaya ka, mas better. Hindi man ganoon kadali iyon, pero alam kong kakayanin mo.