Thursday, December 16, 2010

Pangarap

Kwento ng Pangarap

Mga bata, yan ang madalas nating makikita sa lansangan. Mga marurungis, magugulo at namamalimos na kabataan. Naranasan mo na bang malimusan? Mga batang paslit sa lansangan, nag mamakaawa, nang hihingi ng kaunting limos mula sa iyong bulsa. Nabiyayaan mo na ba sila nang konting bariya?


Lahat tayo may kanya kanyang pangarap. Nakapag tapos man ng pag aaral o hindi. May pamilya man o wala, di tayo nauubusan ng pangarap. Mga pangarap na sa panaginip pa lang, gusto na natin patupad. Mga pangarap na di mo gustong mabigo. Mga pangarap na syang dahilan kung bakit tayo nag susumikap.


Naalala ko noong kabataan ko, tinanong kami ng aming guro. "May pangarap ba kayo sa buhay?" at agad akong napaisip. Ano nga ba ang pangarap? Ito ba yung gusto mong kunin kurso pag katapos mong mag aral ng high school? Nabibili ba ito ng pera? Di agad ako nakasagot. Nang muli syang mag tanong "Class, may pangarap ba kayo sa buhay?" Bigla kong naisip ang mga katulad kong bata na nasa lansangan, mga batang di nakapag aaral, mga batang paslit na pakalat-kalat at humihingi ng limos. Tumayo ako at sumagot sa aking guro "Maam, pangarap ko pong tulungan ang mga batang nasa labas, yung mga batang namamalimos. Yung mga batang di nag aaral. Gusto ko po silang tulungan." Halata sa mukha ng aking kapwa kamag-aral at guro ang pag kabigla. Naisip ko tuloy na mali ang pag kakaintindi ko sa salitang PANGARAP. Ngunit pinag patuloy ko ang aking pag sasalita. "Naaawa po ako sa mga batang namamalimos, di nakakapag aral, at di nakakakain ng tama. Gusto kong makapag tapos ng pag aaral, at darating po ang araw na yayaman ako at matutulungan ko na sila." Nabigla ako sa sinabi ng aking guro "Wala ka bang pangarap para sa pamilya mo?" muli akong nag isip at nag salita "Maam, ang pangarap po ng pamilya ko ay mapalaki ako ng maayos, mapag tapos ako ng pag aaral. Ang pangarap ko'y makapag tapos ng pag aaral dahil yun ang pangarap nila para sakin. At alam kong magiging masaya na sila pag nangyari yon." Di ko alam kung bakit ko nasabi yon. Pero nang matapos kong sabihin ang lahat ng yon, napaiyak ako. Nakangiti ang guro ko at sinabi ang katagang: "MATUTUPAD ANG PANGARAP MO SA TAMANG PANAHON."


PANAHON. Kailan nga ba ang tamang panahon? Gusto kong matupad ang pangarap kong ito. Makapag tapos nang pag-aaral at makatulong sa mga batang lansangan.


Lumaki akong hawak ang pangarap na iyon, ngayon nasa kolehiyo na ako, ayun parin ang pangarap ko. Pero may dumagdag pa. Nang yari to nung nasa high school ako. Feast day ng section namin nang maisipan naming dumalaw sa mga matatandang iniwan na nang pamilya nila. Ito ata yung tinatawag na Bahay Kalinga. Nakakaawa ang mga matatandang iniwan na ng kanilang sariling anak at pamilya. Iniwan dahil sa paniniwalang wala nang halaga at wala nang pakinabang pa sa buhay nila ang mga ito. Nakakalungkot isipin na kaonting panahon na lamang ang imamalagi nila sa lupa, pero iniwan pa sila. Hindi naman dapat maging hadlang ang kahirapan para iwan sila sa lugar kung saan wala silang kilala.


Nakita ko ang isang lola na nasa idad 90-pataas na. Di na sya nag sasalita at umuungol-ungol na lang nang makita nyang papalapit kami sa kanya. Pinag mamasdan siya ng kapwa ko kapamag-aral, nang maisipan kong kausapin sya para malaman ang pangalan nya. Ungol lang ang narinig ko sa kanya. Napaluha ako. Naalala ko sa kanya ang lola ko. Yung tinuring na ina ng aking ina, na syang kumupkop sa kanya. Nag laro sa isipan ko ang itsura ni lola. Patuloy ang pag agos ng luha saking mga mata. Nang biglang may lumapit saking isang matanda, si Lolo Bayani. Sabi nya sakin, matagal na daw sya sa lugar na iyon, iniwan na sya ng kanyang pamilya at di na dinadalaw ng kanyang sariling mga anak. Lalo akong nahabag sa narinig ko. INIWAN NG PAMILYA AT DI NA BINABALIKAN NG SARILING ANAK. Ako ay naging anak din ng magulang ko. Naging anak din ang magulang ko ng lolo/lola ko. Hindi ko kakayaning iwan ang magulang ko sa ganoong lugar. Di ko lubos maisip na magagawa iyon ng anak sa magulang nila. Kung ako ang Ina, at ganoon ang gagawin sakin ng magiging anak ko, masasaktan ako.


Biglang sumagi sa isipan ko ang salitang TUTULUNGAN KO SILA PAG MAYAMAN NA AKO SA TAMANG PANAHON.
Sa tamang panahon. Ang mga pangarap ko tutuparin ko. Mag sisikap ako para sa ibang tao, para sa pamilya ko, para sa sarili ko.


----------


COMMERCIAL ng buhay ko:


1st year college. Minsan kaming pinag prisinta ng aming guro sa English subject kung saan ikukumpara mo ang sarili mo sa mga bagay-bagay. 2 weeks pa ang panahon para makapag isip at para makapag handa. Wala akong maisip. Napakahirap naman ikumpara ang sarili mo sa isang bagay na walang buhay. Feeling ko, nainsulto ako. Tao ako, tapos ikukumpara ko ang sarili ko sa isang walang buhay na bagay? Naisip ko tuloy na wag na lamang mag prisinta. Pero 2 days na lang bago ang araw na iyon, nag karoon ako ng problema (na hindi ko na ikwekwento dahil hahaba pa lalo ito at siguradong tatamarin kana sa pag babasa).


Doon ko lang naramdaman ang halaga ng pamilya sa panahon na iyon. Nandyan ang magulang ko para sabihin na kaya ko to at malalampasan ko lahat. Nasan ang mga kaibigan ko? Sa dami nila, isa-dalawa-tatlo na lang ang natira. At habang lumalalim ang gabi, isang ingay na lang ang narinig ko, ang pag tunog nang Orasan. Naiinis ako sa ingay nang orasan na iyon. TIKTOK-TIKTOK! segusegundo. Kinuha ko ito at tinanggal ang batirya. Tapos naisip kong tumahimik ang paligid ko. Naisip kong ito na siguro ang pwede kong ihalintulad sa buhay ko nang panahong iyon.


Dumating ang araw ng prisintasyon, nag drawing ako ng orasan na may kasamang batirya. Paano ko kinumpara ang buhay ko sa isang orasan?





Ang buong orasan ang nag silbing AKO. Ang kamay ng orasan ang nagsilbing PAMILYA ko. Ang mga numerong nakapaligid ang nag silbing mga PANGARAL ng magulang ko. At ang batirya ang nagsilbing mga KAIBIGAN ko.


Ang orasan ay di matatawag na orasan kung walang numero at kamay. Ang mga kaibigan ko, bilang batirya na bumubuhay at nag papaandar sakin ay pwedeng maging dispossable at mawala. Nandyan sila pero pwede kang iwan. Matatawag parin namang orasan ang isang orasan kahit walang batirya diba. At kung mapapansin nyo, kahit wala nang batirya ang orasan, nandyan parin ang kamay, di ka iiwan, parang pamilya. Nandyan lang sila para gabayan ka. Umiikot sila sayo, para ulit ulitin ang pangaral na gusto nilang di mo dapat kalimutan. Ang batirya, nauubusan din ng enerhiya para patakbuhin ka, pero ang kamay at mga numerong nakapaligid sa orasan ay di ka iiwan.


----------


Ito na ang pangarap ko, hawak ko at unti-unting pinalalawak pa. Gusto ko na ngayon gumawa ng foundation para sa mga batang lansangan, foundation para sa matatandang iniiwan, mag tayo ng paaralan para sa kabataan, simbahan para sa mamamayan. Malayo sa panaginip, malayo pa sa katotohanan. Pero alam kong darating ang PANAHON, tutulungan ako ng Panginoon para matupad ko ang panagarap na ito.


Ito nga't may nakita akong trabaho pero di ko pa alam kung tama ba ang papasukin ko. Ang nasabi ko na lang:
Tama man o mali ito, totoo man o hindi susubukan ko parin. Paano nga kung ito na pala ang PANAHON na hinihintay ko? I WILL GRAB IT! Because it only happen once in a lifetime. At kung hindi ko man subukan, baka pag sisihan ko lang. Handa ako sa kabiguan, ayos lang sakin yun, ang mahalaga nasubukan ko at wala akong sinayang na panahon. Si God na bahala kung nasa tamang dereksyon ako sa buhay.


Minsan lang to dumating sa buhay. Di ko pag sisisihan kung mali man ito. Pano kung dahil dito patupad ko ang pangarap ko. Baka mas pag sisihan ko pa kung di ko pa igrab. So keep looking forward :3


-THE UNPREDICTABLE GIRL

No comments:

Post a Comment