LOVE. Isang ispesyal na pakiramdam. Pakiramdam na ginusto mong maramdaman nung bata kapa. Pakiramdam na ayaw mo mawala ng mag dalaga/binata ka. Pakiramdam na gusto mong ipaalam sa iba. Pero pag nasaktan na, ito ang pakiramdam na parang ayaw mo na ulit maranasan pa. At ayaw na ulit maramdaman pa.
Masarap maramdamang mahal ka din ng mahal mo, masarap ang pakiramdam na nag mamahalan kayo, masarap malamang ikaw lang ang nasa puso nya. Masarap. Pero masakit. Masakit kasi darating ang oras na mag kakalabuan kayo, masakit kasi baka iwan ka nya, masakit kasi baka hindi pala sya yung FOREVER mo. Paano kung iwan ka nga nya? Paano kung saktan ka lang nya? Paano kung lokohin ka lang nya? Paano kung hanggang pangako lang sya?
"Ikaw lang mahal ko, wala ng iba."
"Di kita iiwan, I love you."
"Wala na akong mamahaling iba kung di lang ikaw."
"Forever tayo huh."
"Di kita ipagpapalit."
"HINDI KITA IIWAN."
Mga salitang binibitawan ng mga taong nag mamahalan. Mga salitang lumabas lang sa bibig. Mga salitang nakakapag patibok ng puso. Mga salitang gusto mong paniwalaan. Pero ito ang mga salitang madalas mapako, madalas makalimutan, madalas nababalewala. Darating ang araw, makakakita sya ng iba. Ikaw ang mahal nya, pero may ibang nag papaligaya na pala sa kanya. Ikaw ang kasama nya, pero iba na ang nasa isip nya. Para kang naniniwala sa isang bagay na hindi pala pinaniniwalaan ng iba. Para kang tumaya sa lotto, nananalanging manalo. At pag nalaman mo na, KABOOM! Ang sakit. Naging biktima kana ng isang pang loloko. Para kang nautakan sa isang laro na di mo alam. Para kang pinatay ng paulit-ulit.
"May mahal na akong iba."
"Iiwan na kita."
"May iba na akong mahal, hindi na ikaw."
"Sorry, wala ng forever."
"May nakilala akong iba."
"SIYA NA ANG MAHAL KO."
Lahat tayo nasasaktan. Lahat tayo nabibigo. Lahat tayo mararanasang mag mahal. Lahat tayo makakaranas ng pag mamahal. Di nga lang tumatagal ang iba. Sabi nga nila "walang permanente sa mundo, kaya wag kang maniwala sa salitang 'di kita iiwan'." Kung iniwan ka man ng taong mahal mo, isipin mo na lang na may dadating pa para mapasaya ka, mas better. Hindi man ganoon kadali iyon, pero alam kong kakayanin mo.
No comments:
Post a Comment