Nag simula na lahat ng pag babago. Pag babagong matagal ko nang pinangarap at inasam. Pagbabagong akala ko'y di ko matatanggap. Pagbabagong pilit kong inunawa. Pilit kong sinariwa. Pilit ko tong inisip kung tama. Dito sa pagbabagong ito, natuto akong lumaban. Pagbabagong naging isang inspirasyon ng pag sulat nito. Inspirasyong di ko maintindihan kung saan ng gagaling. Dapat galit ako, dapat sa ngayon umiiyak ako, dapat sa ngayon, nag hihiganti ako. Pero hindi ko magawa. Di ko alam kung anong nag papasaya sakin. Kung bakit ako nakangiti, hindi ko din alam.Pero sa ngayon, iniintindi ko ang mga tao sa paligid ko.
Ang saya ko. Ang gaan ng loob ko. Walang sakit sa puso ko. Walang kahit anung sugat. Naniniwala akong nilinis ni God ang puso ko. Pinalilimot nya sakin ang sakit ng nakaraan. Nandyan Sya para sabihing Sya ang kailangan. Sya ang sandalan. Sya ang sagot sa problema. Minsan ko na Syang kinalimutan. Kinalimutan sa mga panahong naging masaya ako sa nakaraan. Di ko man lang naisip na nandyan Sya. Ngayon, kinailangan ko Sya. Kinailangan. Pakiramdam ko nasaktan ko Sya ng sobra. Pero mas gusto ko ang pakiramdam ko na naging masaya Sya. Naging masaya. Kasi nag balik ako para mahalin ulit Sya. Tinanggap Nya kahit matagal ko Syang tinalikuran. Napaka saya ko.
Bakit ako nag balik loob sa Kanya?
Dahil siguro kinailangan ko ng isang kausap para maintindihan ko ang lahat. Puno ako ng katanungan na alam kong walang makakasagot kundi Sya lang. Sya lang.
Bakit kailangan mabigo? Bakit kailangan masaktan? Bakit kailangan pag laruan? Bakit kailangan iwan? Bakit pa kailangan mag mahal? Bakit kailangan pag sinungalingan?
Ang sakit-sakit pala pag iniwan ka. Ang sakit-sakit pala pag niloko ka. Lalo na kung ang nang iwan at nang loko sayo yung taong minahal mo ng sobra. Ang taong dahilan kung bakit mo tinalikuran ang lahat. Kung bakit nagawa mong kalimutan ang utos sayo ng magulang mo. Kung bakit iniwasan mo ang barkada mo. Kung bakit napalayo ka sa karamay mo ngayon, ang Dyos.
Hindi naman masakit ang iwan ka. Ang masakit ay yung iniwan mo ang lahat para sa kanya, pero lolokohin ka lang pala. Sasabihing hindi ka mahal, hindi ka kailangan, hindi ka kailanman naging ispesyal. Ang sakit. Ang hirap. Ang hirap tanggapin na nag kasala ka dahil sa pang loloko nya. Ang isa pang mahirap, pinatagal pa nya. Pinatagal nya. Pinatagal nya sa wala. Pinatagal nya ang kasinungalingan, ang kalokohan, ang kasalanan. Di man lang nahabag. Di man lang nakunsensya. Di man lang marunong maawa. Pag mamahal bang maituturing iyon? O isang kasakiman? Ginawa lang para sa sarili. Para lang may matawag na nobya. Para may maipag malaki na lalake talaga sya. Di ba, di naman kailangan ng gf para mapatunayan na lalake ka talaga. Sapat na ang mahalin mo ang isang tao ng walang kapalit, sapat na ang mag mahal kahit di ka suklian. Sapat na yun. Sapat na para masabi sa iba na nag mahal ka, at natuto ka.
Kailangan bang lagi may kapalit? Tulad ng kabutihan. Kailangan bang maging mabuti ka sa mabuti sayo? Kailangan bang mahalin mo din ang taong mahal ka? Kailangan bang lumimot pag kinalimutan ka? Kailngan bang mag paraya pag masaya na sya, at ikaw hindi? Kailangan bang mag higanti pag nasaktan ka?
Mga tanong na hirap sagutin lalo na pag pinagsama-sama. Kailangan nga bang sagutin pa to? o dapat nang isang tabi at kalimutan na lang? Diba't magandang sagutin ang tanong kung gusto mo nang sagot? Diba't nag tanong ka, kasi gusto mo malaman kung ano ang totoo? Subukan natin alamin ang sagot para malinawan tayo.
Hindi dapat tayo nag hihintay ng kapalit. Pero masarap sa pakiramdam ang mahalin ka din ng taong mahal mo, maging mabuti din ang taong binigyan mo ng kabutihan. Hindi mo kailangan limutin ang mga taong naging bahagi ng buhay mo, limutin ka man nila, wag mo kalimutan na naging masaya ka kasama nila. Tandaan mo na lahat ng bagay may dahilan. Bagay, Tao, Hayop. Lahat tayo pinadala sa lupa ng may kanya-kanyang dahilan. Maging mabuti man o hindi. Maging malas ka man o swerte. Maging mahirap man o mayaman. Hindi yun ang mahalaga. Ang mahalaga nabuhay ka kasi biniyayaan ka ng Dyos ng buhay. Isa sa dahilan kung bakit kailangan mong unawain ang mga bagay na di mo maunawaan. Mag mahal ka kahit walang kapalit, maging mabuti ka kahit sinasaktan ka. Darating ang panahon, ang araw, ang oras, babawiin din ang buhay na hiniram natin. Maging masaya ka kung masaya sila. Kung malungkot sila, pasayahin mo. Hindi mo naman kailangan mahalin lahat ng bagay. Kailangan mo lang naman pahalagahan. Pahalagahan mo lang, ayos na yun.Wag mo lang kakalimutan ang mag pasalamat sa Dyos.
**********
My Story
Nag mahal na ako dati at nasaktan. Pinilit kong kayanin, nagawa ko naman. Kinaya ko kahit medyo natagalan. Hanggang sa dumating ang araw na to sa buhay ko, ito nanaman. Nakakilala ako ng taong akala ko mahal ako. Akala ko totoo. Akala ko iba sya sa mga nakilala ko. Nangako syang di ako iiwan. Nangakong habang buhay mamahalin ako. Nangakong di ako sasaktan. Madaming buwan ang dumaan sa buhay namin. Madami ding pag subok, madaming tao ang humadlang. Pero pinili ko ang maging matatag. Maging matatag. Matatag sa relasyong akala ko mag tatagal at mag papatuloy hanggang sa katapusan. Pero dumating din ang kinatatakutan ko. Nalimutan ko ang salitang "unawa" nalimutan kong may sarili nga pala syang buhay na di ko pwedeng pigilan. Nalimutan kong mag pakumbaba. Nalimutan kong unawain na kailangan nya ng time para sa sarili nya. Di ko naisip na nasasaktan ko sya. Di ko naisip na sumobra na ako sa pag papaalala sa kanya. Di ko naisip na nasakal ko sya. Di ko na isip na napapahiya ko na sya sa mga kaibigan nya.
Pero di ko naman sinasadya ang mga iyon. Di ko sinasadya na masaktan sya. Pero bakit ko ba nagawa yun? May sarili akong dahilan. May sarili akong isip para gawin ang bagay na yun kahit alam kong di tama. Alam ko naman na di tama. Pero madami ako gusto malaman. Madami ako gusto itama. Pero naging mali lahat. Masakit para sakin tanggapin na nawala bigla ang pangarap kong FOREVER. Nang dahil sa salitang "sakal" nag laho ang lahat. Nag laho ng parang bula ang pag mamahal. Parang walang pinagsamahan.
Nag bago sya bigla. Nag bago na parang di na sya ang dati kong kilalang *toot*. Ang sakit kasi napakasaklap ng pag hihiwalay namin. Walang magandang usapan na nangyari. Walang klarong usapan. Wala. Parang nagising na lang sya na di na ako mahal. Na wala na ako halaga sa kanya.
Para sa isang babae na tulad ko. Napaka sakit na masabihan ka ng lalakeng minahal mo ng ganto:
'Di na kita mahal'
'Matagl na kitang hindi mahal'
'Tigilan mo na ako'
'Di kita kailangan'
'Wala akong pakielam sa nararamdaman mo'
'Wala nang pag asa. Ayoko na talaga'
Di ko alam gagawin ko. Di ko alam kung sasaktan ko sya. O mag hihiganti ako. Pero pinili ko na lang ang mag isip. Kasama nang mga tunay kong kaibigan. Alam ko naging madrama ako nung mga time na yon. Pero inintindi nila. Kinailangan kong mag isip kasi di ko na kaya ang sakit. Pero natagpuan ko ang Dyos, sa tabi ko inaalalayan ako. Di nya ako iniwan. Hanggang sa mabuksan ang isip ko na di na talaga pwedeng ibalik ang nakaraan. Na di na pwedeng itama ang mali. Di na pwedeng iayos ang nasira na. Ginabayan Nya ako. Nakapag isip ako na siguro dapat na akong mag move-on. Masakit, mahirap, nakakatakot. Pero alam kong kakayanin ko. Nakaya ko na dati, makakaya ko ulit ngayon.
Ngayon ko narealize na masaya pala ako kahit wala sya. Masaya ako kahit di sya ang dahilan. Naging masaya ako kahit wala sya sa tabi ko, kahit di sya yung nag bibigay ng jokes, kahit hindi na sya yung yumayakap. Masaya pala kahit kaibigan lang ang kasama mo. Kaibigan. Sapat na ang kaibigan para maging masaya. Kumpleto parin ang buhay kahit walang lovers. Pwede padin naman maging lovers ang friends. Pero wag nating kalimutan ang unang nag mamahal satin. Si GOD. Sya ang tunay na lovers natin. Ama, Kaibigan, Guidance.
Magalit man ako sa kanya, di naman natin maaalis na minhal ko sya. Di natin maaalis na naging bahagi sya ng buhay ko.Gusto ko pa nga mag pasalamat sa kanya. Kung dati, nasaktan ako, mas masakit yung ngayon. Mas natuto ako. Natuto. Ang dami ko natutunan, dami ko narealize. Dahil sa kanya mas lumakas ako. Mas naging matatag ako. Mas naging masaya ako.
Oo. Masaya na ako. Sa konting oras na inisip ko kung pano ako mabubuhay ng wala na sya. Nagawa kong tanggapin lahat. Hindi dahil sa sinuko ko na sya. Hindi dahil sa di ko na agad sya mahal. Kundi dahil sa sakit, sya na din kasi nag layo sakin, sya na din ang tumulak sakin para kalimutan sya. Siguro nga minahal nya din ako. Pero kung ang salitang maririnig ko "Di kita mahal", siguro paniniwalaan ko na lang. Para madali ko malimutan ang sakit. Para maaccept ko na lang na kaylangan ko syang iwan. Di ko man kalilimutan, pero kailangan ko sabihing "Kaya ko na. Tama na. Naka move on na ako. Masaya na ako"
Tama na yung sakit. Tama na din yung 2nd chance. Wala nang 3rd chance. Wala na. Umalis man sya, alam kong may dadating na mas better pa. Oo, naging better sya. Pero naniniwala akong mas may better pa sa kanya. Mas better, mas best.
Di na ako takot masaktan ulit. Masaktan man ako, alam ko kakayanin ko na. Alam kong may matututunan ako. Mag kamali man ako, atleast naramdaman ko kung pano ang mag mahal. Lokohin man ako, alam kong may dahilan. Iwan man ako, alam kong may darating na kapalit. Pero sa ngayon, mamahalin ko muna ang mga magulang, kaibigan ko. At ang gumagabay sakin ngayon, ang Dyos.
**********
Wag tayong matakot masaktan. Bagkos maging matapang tayong harapin ang mga pag subok sa buhay natin. Walang pag subok na di nalalagpasan. Walang pag subok na walang solusyon. Wag tayong matakot mag mahal. Wag mo isumpa na di kana mag mamahal muli kung ikaw ay nasaktan. Madami dyan iba, wag mo isara ang puso mo sa taong handa kang mahalin ng buo. Hindi man yun ang hiling mo, maging masaya ka. Kasi yun ang mahalaga. Maging masaya ka, maging mabuti ka. Piliin mo yung tanggap ka. Hindi yung gusto ka lang kasi maganda ka/gwapo ka. Maging praktikal ka. Pero minsan kelangan mong isipin kung ano ang tama. Pero siguraduhin mong magiging masaya ka. At di ka mag sisisi.
Di ako naniniwalang, nasa huli ang pag sisisi. Ang pag kakamali mo, pag narealize mo na, pwede mo nang ituwid. Oo nga't di mo na maibabalik, pero di mo na gugustuhin ulitin.
Patuloy tayong mag mahal. Dahil kahit kailan, di naging masama ang mag mahal. Sa bawat pag mamahal, nandyan si God.
cause Love is God :)
:3 Ganghan Love.
im STRONGER now.
pinaka masakit na atang ikwento ito. hehe. pero para sainyo talaga yan. gusto ko ishare experience ko eh.
ReplyDelete:"3 Nice idoL...
ReplyDelete